Aking Mundo

Wish Jock Post

Posted on: December 4th, 2017

Iisang mundong ginagalawan,

Dalawang pusong singlayo ng kalawakan.

Nasayang ang pagkakataon,

Lumipas ang taon,

Marami nang mga salitang tinugon at awiting binuo,

Bakit sa likod ng liwanag ng lahat ng ito,

Liwanag sa likod ng kanyang mata ay siya paring hinahanap ko?

Mga alaala namin ay matagal ko nang nilimot

Kahit gustuhin ko man na pati siya ay limutin,

mundo’y laging nagpapaalala kung bakit siya parin.

Pag-ibig na hindi man lang nasimulan,

Nagtapos katulad ng inaasahan.

Pagmamahal niya ngayon ay may pinaglalaanan;

Habang ako ay pilit na nagbubulag-bulagan.

More DJ Alice's Posts